Basal Body Temperature
Inaalam ng babae ang umpisa at katapusan ng panahon na sya ay mabunga sa pamamagitan ng pagkuha ng kanyang temperatura sa parehong oras tuwing umaga bago sya bumangon ng higaan.
Ang mag-asawa ay iiwasang magtalik o kayay mapipilitang gumamit ng condom mula umpisa ng regla ng babae hanggang tumaas ang kanyang temperatura nang higit sa kanyang normal na temperatura at mananatili itong mataas ng tatlong araw.
Ito ay nangangahulugan na dumating na at nakalipas na ang panahon ng obulasyon.
Ang mag-asawa ay libre nang magtalik sa susunod na ligtas na araw hanggang sa umpisa muli ng siklo ng regla ng babae
Gaano ito Kabisa?
Mabisa sa tamang pamamaraan
Sino ang maaring gumamit?
kahit sinong babae na maari nang mag-anak na nais planuhin at agwatan ang pagbubuntis ngunit ayaw gumamit ng ibang paraan ng family planning sa dahilang maedikal o kaugnay ng relihiyon o personal.
Mga Kabutihan
-Walang side effects na pisikal o mga kinalaman sa hormone
-maliit o walang gastos
-walang epekto sa pagpapasuso o sa gatas ng ina
-kasali ang lalaki sa pagplano ng pamilya-natuturuan ang mga mag-asawa tungkol sa pertilidad
Mga Kakulangan
-hindi nagtatagumpay kung walang patuloy na kooperasyon
-kinakailangang gumawa ng talaan ang babae o ang mag-asawa at bantayang mabuti ang mga pagbabago sa katawan ng mga babae
-kailangang ituro ng maalam at sanay na health worker
-hindi nakakaiwas sa STD
Side Effects
Walang side effects
No comments:
Post a Comment